Erap namahagi ng relief goods sa Navotas

MAINIT na sinalubong nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pagdating ni  dating Pangulong Joseph ‘ERAP’ Estrada upang mamigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng malawakang bagyong Gener at Habagat kamakailan.

Ganap na ala 1:00 kamakalawa ng hapon  ng pangunahan  nina   Pres. Erap, Myor Jonh Rey at ni  Cong.Toby   katuwang ang CSWDO  sa pamamahagi ng mahigit sa 900 bags na  mga relief goods   sa mga evaacuation centers sa Navotas Youth Center, Barangay NBBS.

Malaking pagpapasalamat naman ng mga residente na nakatanggap ng mga nasabing tulong  kahit paano ay naibsan ang kanilang pangangailangan.

Dahil sa tulong ng dating pangulong Erap sa mga nasalantang residente taos-pusong nagpasalamat ang magkapatid  na Mayor  Jonh Rey at Cong.  Toby Tiangco  sa walang katapusang ginagawang suporta sa tuwing may sakunang dumadapo sa lungsod.

‘Mahal ko ang Navotas sapagkat alam kong mahal din nila ako, at hindi ako magsasawang tumulong sa kanila sa tuwing makararanas ng unos ang mga Navoteño.ani pa ng dating pangulo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply