Eroplanong papalapag sa Caticlan, sapol ng kidlat

TINAMAAN ng kidlat ang isang eroplano ng air carrier Cebu Pacific habang ito ay papalapag sa Caticlan airport sa Western Visayas.

Sa kabutihang palad, walang nasaktan sa insidente at ang eroplano ay maayos na nakalapag pero ang return flight nito para sa parehong araw ay nakansela.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 4 nitong Miyerlules ng hapon habang ang Cebu Pacific flight 5J-911 na mula sa Manila ay lumalapag sa Caticlan Airport.

Tumama ang isang bulto ng kidlat sa eroplano pero sa kabila nito ay nailapag ng piloto sa kalupaan ang eroplano. Ang return flight, 5J-912 mula Caticlan hanggang sa Manila ay kinansela dahil titignan pa ng mga technicians kung ano ang nasira sa eroplano.

Nauna rito sa pareho ring araw, naka-engkuwentro ang isang Philippine Airlines plane ng bird strike habang ito ay palapag sa Tacloban airport sa Eastern Visayas.

Nakalapag naman ng maayos ang PAL plane pero ang return flight nito ay naantala dahil iinspeksiyunin din ng mga technicians kung ano ang naging sira ng eroplano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply