Estado ng Phil Sports siyasatin – Trillanes

HINILING ni Senador Antonio Trillanes sa Senado na tingnan ang estado ng Philippine Sports, kasunod ng kawalan ng kakayahan ng 11-delegado ng bansa sa kakatapos na London Summer Olympics at sa nakaraang Souteast Asian (SEA) Games.

“We recognize the talent of our Filipino athletes and their display of perseverance, dedication, moral courage, strength of character and competitive spirit in various athletic competitions. It is very evident, however, based on our recent performances in global and regional competitions, that our country is not at par with the Olympic competitors and lags behind our Southeast Asian neighbors as well,” ani Trillanes.

Dahil dito, naghain ang senador ng Senate Resolution No. 838, na nag-aatas sa Senate Committee on Amateur Sports Competitiveness and other appropriate committees na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation sa kasalukuyang estado ng sports development sa Pilipinas matapos ang poor performance of Filipino athletes.

Ipinunto ni Trillanes, 16-na taon na aniya ang nakalipas mula nang huling manalo ng medalya ang bansa sa kortesiya ni Mansueto “Onyok” Velasquez, na nanalo ng silver medal sa boksing noong 1996 Atlanta Olympics.

“It is hoped that once the Department of Sports is established, sports would once again become an integral component of youth development, a galvanizing force for national unity and a source of national pride,” ani Trillanes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply