Estudyante na-trauma sa mura ng teacher

Misyon Aksyon, isa po ako sa  mga masusugid na tagasubaybay ng inyong kolum sa Remate. ‘Di  na po ako nagdalawang-isip na humingi ng tulong sa inyo kasi napuno na po ako at hindi ko na matiis ang ginagawa ng isang teacher dito po sa Kakawate  National High School, Barangay Isidro, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Dati po hindi ako naniniwala  sa mga balita tungkol sa isang   teacher-adviser ng 4th year na ang  pangalan ay Julius Villanueva. Kasi  napakahusay naman  po  pagdating  sa pagtuturo sa klase. Ang masakit nga lang po, ang bunganga niya  ay napakabastos kung magmura sa mga eistudyante at  grabe kung manlait po pag naumpisahan ka niyang makursunadahan. Pag ‘di ka nakasagot sa kaniyang mga  tanong, tiyak doon magkakaroon ng trauma ang bata.

Kagaya  po ng aking anak na  hindi naman makulit at mabait.  Iyong nga lamang po, napatabi sa  bata na may kakulitan kaya. Magmula noon,  doon na po nagsimula ang kalbaryo at trauma ng aking anak. Kasi napapansin ko na  minsan ay matamlay at parang ayaw nang pumasok sa eskuwelahan  kaya minabuti ko na pong siyasatin kung bakit matamlay at parang  may  trauma ang bata.

Sa madaling salita po, Misyon-Aksyon, ay napatunayan ko na   may pagkabastos po pala ang nasabing teacher na si Mr. Julius  Villanueva. Kasi nagsadya ako sa kanya para alamin ang problema at kasalukuyan naman nag-e-exam ang mga bata. Nang  papaalis  ako, nagsabi ako, “Sir, maaari po bang magpaalam sa aking anak? Pero  hindi ako kinibo bagkus isang pairap na sulyap na may halong  pang-iinis ang ipinakita niya kaya  minabuti ko na lamang umalis at nang paalis  na ako, sabay  sige. Kaya ang ginawa ko ay kumaway na lamang ako sa aking anak.

Sa katagalan po ng aking pag-iimbestiga, nalaman ko na grabe pala kung magmura si Mr.  Villanueva kagaya ng mga katagang “Mga  bobo kayo, tanga, mga  p-i niyo, kahit magsumbong kayo sa DepEd, ‘di ako natatakot. Mas mabuti pang umalis na lang kayo rito.”

Ito ang malimit na bigkasin ng nasabing teacher. Tama po ba,  Misyon Aksyon, ang ganitong pag-uugali ng isang teacher na dapat  maging ehemplo siya ng mabuting asal.

At umaasa po ako na sana po ay makarating sa Principal ng  Kakawate National High School na  si Mr. Casas at DepEd Superintendent  na paimbestigahan ang masamang   asal at ugali po ni Mr  Julius  Villa-nueva.  Kasi kung patuloy ang kaniyang ugaling hindi maganda ay  marami pong estudyante ang  tatamarin nang magsipag pumasok sa nasabing pampublikong eskwelahan.

Gumagalang
Concerned parents.

Paging, DepEd Secretary Armin Luistro at   Dep- Ed Region  III Director  TEOFILA  R. VILLANUEVA. Sir/madam, pakiimbestigahan naman po ang reklamo ng mga  high school student at parent sa Kakawate National High School, Barangay  San Isidro, San Jose Del Monte City,  Bulacan na isang teacher umano ang grabe kung manlait sa kaniyang mga estudyante. Imbes na matuto  sila ay hindi na bagkus trauma ang kanilang inaabot.

Kasi kung pagmumurahin sila ay grabe at may  kasama pang pananakot.

Kaya tuloy ang mag-aaral doon ay halos ayaw nang pumasok  sa  kanilang  teacher.

Sana  po  agarang aksyon ang inyong gawin  para  hindi naman po mahuli nang tuluyan matrauma ang  mga mag-aaral  doon.

Bukas po ang aking kolum  para  sa inyong panig  at kapaliwanagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234  SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply