Estudyante pinatay sa saksak

HINIHINALANG hinoldap muna bago pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang estudyante na natagpuang wala nang buhay sa isang bakanteng lote sa Novaliches, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Rodel Marcelo, Hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima na si Jay Jalil Ibarra, 23, binata, estudyante ng 63 Ramirez St., Brgy. Nova Proper, Novaliches, QC.

Ayon kay SPO1 Rafael Peralta desk officer ng QCPD-CIDU, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Block 14, Lot 4, Pedro St., T.S. Cruz Subd., Novaliches, QC dakong 6:00 ng umaga kanina .

Sinabi sa ulat na wala na ang mga gamit ng biktima nang matagpuan ang bangkay nito na nakahandusay sa isang madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa lugar.

Ayon sa ulat nagtamo ng 39 na tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima nang matagpuan ng isang Freddie Pamitan care taker ng bakanteng lote sa lugar.

Posibleng hinoldap muna ang biktima at nanlaban ito sa suspek kung kaya’t pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply