Evacuees mula sa Bagong Silangan, QC ‘di makauwi

MALABO pang makabalik sa kani-kanilang mga dating tirahan ang may libo-libong pamilya na nasa mga evacuation center na inilikas mula sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Ito ay dahil kahapon pa lamang nagsisimulang humupa ang baha sa kanilang mga bahay na nalubog matapos umapaw ang San Mateo River.

Sa talaan ng Barangay Bagong Silangan, nasa 3,370 pamilya pa ang nasa 22 evacuation center, pero ayon kay Winnie Domingo ng Quezon City Social Service Development Department, patuloy pa nilang bineberipika sapagkat nagkakadoble-doble ang bilang.

Marami aniya kasi na matapos makakuha ng relief goods ay nagbibihis muli ng panibago at pumipila muli habang ang iba naman ay nagpapalista na nabaha kahit hindi naman talaga, makakuha lamang ng relief goods.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply