Evangelical churches suportado ang RH bill

SUPORTADO ng  Philippine Council of Evangelical Churches na may 30,000 evangelical congregations sa buong Pilipinas ,ang pagsasabatas ng House Bill 4244, o mas Reproductive Health Bill.

Nanawagan ang simbahan na tapusin na ang mga debate at isabatas na gaya na rin ng paninindigan ni Pangulong Aquino na nagsabing “tapusin na ang mga debate at magpasya na ang Kongreso sa responsible parenthood bill.”

Naniniwala ang PCEC na ang RH BIll ay pro-life, kung saan ang buhay ay nagsisimula sa fertilization, at ang paggamit ng mga artipisyal na contraceptives ay hindi pumapatay, dahil ang buhay ay nagsisimula kapag nagtagpo na ang binhi (sperm) at egg cells.

Sa mga pahayag at paniwala ng nasabing kongregasyon, sinabi nito na “God created man in his own image (Genesis 1:26-27).

Inatasan anila ng Diyos si Adam at Eba na magparami, punuin ang mundo at maghari.

Dahil dito, ayon sa PCEC, responsableng mga mag-asawa at mga magulang ang kasagutan sa nakaambang panganib ng sobrang populasyon. Kailangan na umanong planuhin ang bilang ng mga magiging anak upang mabigyan ng disenteng buhay ang mga batang isisilang.

Sa pananaw ng kongregasyon, isasakatuparan ng RH Bill ang mga adhikain ng pamahalaang Aquino at mga susunod pa na paunlarin ang buhay ng pamilyang Pilipino, sa pamamagitan ng pagpaplano ng mga pamilya, edukasyon sa mga kabataan at pantay na oportunidad sa  mamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply