Corona, iba pa kinasuhan ng tax evasion sa DOJ

(UPDATE) MULING nahaharap sa kontrobersiya ang pamilya ni dating Chief Justice Renato Corona makaraan itong sampahan ng tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ngayong umaga.

Bukod sa dating punong mahistrado, sinampahan din ng kaso ang anak nitong si Ma. Carla Beatriz Castillo at manugang na si Constantino Castillo III.

Ang dating punong mahistrado ay kinasuhan dahil sa paglabag sa section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code mula 2003 hanggang 2005, 2007, 2008 at 2010.

Sa imbestigasyon ng BIR, lumitaw na hindi idineklara ni Corona ang lahat ng kanyang assets sa isinumite nitong statement of assets and liabilities and net worth (SALN).

Bukod sa bank deposits, hindi rin idineklara ang kanyang condominium unit sa Columns sa  Ayala Avenue na nabili nito sa halagang P3.6 million noong 2004 at ang property sa Fort Bonifacio na nabili niya ng P9.16 million noong 2005.

Batay sa computation ng BIR, umaabot sa P120.5 million ang tax liability ni Corona sa loob ng siyam na taon.

Umaabot naman sa P20.25 million ang tax liability ni Castillo habang P9.93 million kay Carla.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply