Abalos pinayagang makapagpiyansa

PINAYAGAN na ng Pasay City Regional Trial Court na makapagpiyansa si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kaugnay ng kinakaharap na two counts of electoral sabotage.

Ayon sa kay Judge Jesus Mupas, bigo ang Comelec na mapatunayang may kinalaman ang dating Comelec chair sa umano’y dayaan na naganap sa Cotabato noong 2007 elections.

Isa rin sa ikinonsidera ng korte ay ang edad ni Abalos na ngayo’y 77-anyos na at pati na rin ang pangkalusugang kalagayan nito sa piitan.

Isang milyong piso ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng dating Comelec chair.

Samantala, nagpalabas naman ng hold departure order (HDO) laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply