Ex-DOH chief Cabral hinamon ni Sen. Sotto

HINAMON ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III si dating Health Secretary Esperanza Cabral na magbigay ng kanyang katuwiran kung bakit kailangang ipasa ang Reproductive Health Bill (RH Bill)

Ayon kay Sotto, dapat basahin ni Cabral ang librong “The Greatest Experiment ever Performed on Women” na iniakda ni Barbara Seaman para malaman nito kung ano nga ba talaga ang epekto ng paggamit ng contraceptives.

Sinabi rin ng senador na makapal ang mukha ni Cabral nang kuwestyunin nito ang patungkol sa pagkamatay ng kanyang anak sanhi ng paggamit ng contraceptives ng kanyang maybahay na si Helen Gamboa.

Una nang sinabihan ni Cabral na magpakita ng death certificate si Sotto na magpapatunay na ang sanhi ng pagkamatay ng anak ng senador ay ang paggamit ng contraceptives.

Kinontra pa ni Sotto ang pahayag na essential medicine umano ang mga contraceptive.

Sinabi ni Sotto na base sa mga medical books at scientific research and findings, lumilitaw na ang contraceptives ay masama sa kababaihan dahil mayroon itong side effects.

Nilinaw ni Sotto na hindi niya sinasabi na dapat ipagbawal ang paggamit ng contraceptives dahil mayroon tayong freedom of choice.

Nagbabala pa si Sotto na ibubulgar niya na mayroong mga kogresista at senador na pumapabor sa RH Bill na gumagamit ng contraceptives ang kanilang misis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply