Ex-military patay, 10 arestado sa entrapment

NAPATAY ng mga awtoridad ang isang ex-military habang 10 kasamahan nito ang naaresto sa isinagawang entrapment operation sa lungsod ng General Santos.

Kinilala ang napatay na si PFC Joselito Bruno, residente ng barangay Fatima at matagal ng AWOL (absent without leave) noon pang Marso 1, 1997.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng entrapment operation kaugnay sa kukunin sana ng suspek na perang P15 milyon na unang ibinayad sa bibilhin sanang ginto subalit nagkabulilyaso ang lahat kaya humantong sa barilan sa harap ng isang botika sa lungsod.

Nadakip naman ang kanyang mga kasamahan na kinilalang sina Cesar Esparagoza, isang negosyante, Efren Reyes, residente ng Davao city, Pince delos Santos, Asher Josol, driver, Lolita Gomez, Lucia Javillo, Romeo Illumminado, Joel Calamba at isang Danilo Molarto.

Sugatan din sa engkwentro ang isang pulis na nakilalang si PO2 Randy Rodriguez, miyembro ng Criminal Investigation branch.

Sasampahan ng kasong abduction, kidnap for ransom, illegal possession of fire arms and live ammunition ang mga suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply