Ex-mining financier utas sa riding-in-tandem

AGAD namatay ang isang dating mining financier makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem na hindi pa nakikilala sa Labo, Camarines Norte.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roberto Pascua, 44, ng Barangay Balat, ng naturang bayan, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan at ulo.

Pauwi na si Pascua sakay ng motorsiklo ngunit nang nasa Brgy. Lubatid na siya ay bigla na lamang umano itong pinara ng dalawang hindi nakilalang mga lalaki na sakay din ng motorsiklo.

Nagkaroon pa umano ng ilang minutong diskusyon ang biktima at mga suspek bago biglang pagbabarilin si Pascua ng isa.

Blangko pa rin ang awtoridad sa motibo ng pamamaslang.

Nabatid na si Pascua ay dating nagtrabaho sa isang small scale mining at natigil lamang nang ipasara ang minahan dalawang buwan na ang nakakaraan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply