Pagpuga ng ex-Palawan Gov, isinisi sa kawalan ng CCTV sa NAIA 3

ANG kawalan ng closed circuit television camera (CCTV) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang dahilan kung bakit nakapuga si dating Palawan Governor Joel Reyes.

Ayon sa impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI), walang nakakabit na CCTV sa NAIA 3, at flight manifest lamang ang pinanghahawakan ng immigration officers sa mga papaalis at paparating na pasahero.

Nanindigan naman si BI Commissioner Ricardo David Jr. na may mananagot na immigration officer sakaling mapatunayan na nakalabas ng bansa si Reyes sa kabila ng ipinatutupad na hold departure order laban sa dating opisyal na sangkot sa pagkamatay ni broadcaster Jerry Ortega.

Marso 18, 2012 sinasabing lumabas ng Pilipinas si Reyes, sakay ng Cebu Pacific flight 5J 751 patungong Vietnam at gumamit ng pekeng pangalan na Joseph De.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply