Ex-PNP Gen pabor kay Lacson sa DILG post

PINABORAN ng ilang dating heneral ng Philippine National Police (PNP) na maitalaga si Senador Panfilo Lacson sa Department of Interior and Local Government (DILG) kapalit ng namatay na si Secretary Jesse Robredo.

Si Lacson ang isa sa mga matunog na napipisil upang maupo sa pwesto matapos mamatay sa isang plane crash si Robredo.

Sinabi ni ni Antipolo Rep. at Retired General Romeo Acop, Vice Chairman ng House Committee on Public Order and Safety, tiyak na mapapatino ni Lacson hindi lang ang Philippine National Police kundi lahat ng mga lokal na opisyal.

Matagal na rin, aniyang, subok ang work ethics ni Lacson at hindi nito ikokompromiso ang kanyang prinsipyo.

Ayon kay Acop, matagal niyang nakatrabaho si Lacson sa PNP kaya nakatitiyak si Pangulong Noynoy Aquino na mapapatino nito ang lahat ng tanggapang nasa ilalim ng DILG.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply