Ex-reporter, anak utas sa riding-in-tandem

NAMATAY ang isang dating radio reporter at kanyang anak habang nasugatan naman ang isa pa nilang kasama makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa tapat ng kanilang tahanan sa Governor Ramos Road, Zamboanga City kagabi.

Nasawi si Billy Sarte, dating reporter, at anak nitong si Ronald habang nakilala ang nasugatan na si Immy Boy Uy makaraang pagbabarilin ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo bandang alas-10:00 ng gabi.

Nabatid na nasawi si Sarte habang nilalapatan ng lunas sa isang ospital.

Base sa ulat, nakasakay ng dalawang motorsiklo ang tatlong biktima nang biglang pagbabarilin ng mga suspek sakay naman ng isa pang motorsiklo.

Galing umanong sabungan ang mga biktima na kakauwi lamang at hindi pa nakakapasok ng bahay nang maganap ang insidente.

Tinitingnan naman ang anggulong may nakaaway si Sarte sa pinanggalingang sabungan at sinundan ang mga ito at saka isinagawa ag krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply