Expert divers sumama sa rescue operations para kay Robredo

ISANG team ng mga expert divers na may modernong kagamitan ang sumama na sa search and rescue operations kung kaya inaasahang bago sasapit ang dilim ngayong Lunes ay matatagpuan na ang wreckage ng eroplanong sinakyan nina Interior Sec. Jesse Robredo at dalawang piloto sa karagatang bahagi ng Masbate.

Ayon kay Mar Roxas sa isang panayam sa radyo,  isang team ngayon ng mga divers na binubuo ng dalawang banyaga at isang Pinay ang sumama na sa search and rescue operations na may modernong kagamitan at kaalaman kung saan kayang sumisid ng hanggang sa 200 talampakan.

Sumama ang mga ito makaraang malamang hindi sapat ang kagamitang ginagamit ng mga lokal divers upang masisid ang malalim na bahagi ng karagatan na kinaroroonan ng eroplano.

Ayon pa kay Roxas, may isa pang private team ang handang sumama sa rescue operation kung kinakailangan pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply