Exploratory talks ng GRP, MILF, ipinagpaliban

BILANG pagpupugay sa yumaong Department of Interior and LocalGovernment (DILG) Secretary Jesse Robredo, ipinagpaliban muna ang nakatakda 31st exploratory talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang pagpapaliban ay bilang paggalang sa state funeral ni DILG secretary  Robredo at hiniling ng  government panel (GRP) na pansamantalang ipagpaliban ang pag-uusap sa pamamagitan ng Malaysian facilitator na si Dato Tengku Abd Ghafar Mohamed dahil matataon ito sa libing ng yumaong kalihim.

Una nang nakatakda ang pag-uusap ng dalawang panig simula sana ngayong araw hanggang  August 30 sa Kuala Lumpur Malaysia.

Nananatili ang respeto ng Sambayanang Pilipino sa magandang ipinamalas at magandang halimbawa ni Robredo sa ipinatutupad na reporma sa gobyerno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply