Fessap handa na sa Universiade sa Russia

ITINALAGA ng FESSAP Executive Committee si businessman Antonio Tiu  bilang head ng Philippine delegation na sasabak sa 2013 Kazan Universiade, itinuturing na Olympics ng mga university buong mundo.

Ang paghirang ay ginawa sa isang special meeting na pinangunahan ni FESSAP president David Ong bilang paghahanda sa 27th Summer Universiade sa Kazan, Russia na sisimulan sa July 6-17, 2013.

Ang FESSAP ay ang kaisa-isang national university sports organization na kinikilala ng International University Sports Federation (FISU).

Noong 2011 Universiade sa Shenzhen, People’s Republic of China, isa ang Pilipinas sa 65 countries na lumahok sa 152 entries na nakipag-agawan sa medalya.

Nakasungkit ng silver medal sa event ang pambato ng Pinas sa Taekwondo na si Samuel Morrison ng Far Eastern University.

Ayon kay Tiu, sinisilip nila ang paglahok sa sampung events sa 27th Summer Universiade — Archery, Athletics, Beach Volleyball, Basketball (Men), Badminton, Chess, Swimming,Table Tennis, Tennis, at Weightlifting.”

“We are also considering participation in 10 other disciplines such as Canoe Sprint, Judo, Fencing, Shooting, and Wrestling.”

Hinirang naman ni Tiu si Col. Querubin bilang flag-bearer ng bansa sa Universiade opening ceremonies.

Inihayag naman ni Benny Antiporda, presidente ng National Press Club of the Philippines (NPC), ang buong suporta sa delegasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply