Fish dealer pumalag sa mga holdaper, kritikal

KRITIKAL ang kondisyon ng isang fish dealer matapos pagsasaksakin ng limang hindi pa kilalang mga holdaper nang pumalag ang una sa Malabon City kagabi, Agosto 30.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Roneto Ponce, 55 ng Artex Avenue, Panghulo ng lungsod dahil sa tinamong saksak sa tiyan at likod

Sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi, kasama ng biktima sa tricycle ang mga tinderang sina Marilou, Imelda at Elizabeth at pagsapit sa Lascano St., Tugatog ng lungsod ay hinarang sila ng mga suspek.

Pilit kinukuha ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P10,200 subalit nanlaban si Ponce na naging dahilan upang pagsasaksakin ng mga suspek.

Hindi na nakakilos ang mga kasama ng biktima nang tangayin ang bag bago nagsitakas habang dinala naman si Ponce sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis kung anong grupo ang tumira sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply