Fish vendor dedo sa sinitang umiihi sa gilid ng bahay

KAMATAYAN ang sinapit ng isang fishball vendor matapos itong pagsasaksakin ng isa sa hindi nakilalang mga suspek na kanyang sinita dahil sa pag-ihi sa gilid ng kanyang bahay sa Quezon City.

Namatay habang isinusugod sa Malvar General Hospital ang biktima na kinilalang si Meliton Randa , 29 anyos , fishball vendor ng # 88 kaligtasan St., Brgy. Holy Spirit bunga ng tinamong mga saksak sa katawan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga pulis, nangyari ang insidente mga pasado alas 7:30 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Kaligtasan extension.

Ayon sa ilang saksi, huling nakita ang biktima na nakikipagtalo sa apat na suspek sa tapat lamang ng kanyang bahay .

Ilang saglit lamang ay nakitang bumunot ng patalim ang isa sa mga suspek bago inundayan ng magkakasunod na saksak sa katawan ang biktima bago iniwang nakabulagta sa lugar.

Napag-alaman na dahil sa pag-ihi ng isa sa mga suspek sa gilid ng bahay ng biktima ang naging sanhi ng pagtatalo na nauwi sa pananaksak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply