Flash floods sa Zambo Sur, 1 patay, 2 nawawala

ISA ang nasawi habang dalawa ang naiulat na nawawala sa naganap na magkahiwalay na flash flooding incidents sa Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes ng umaga.

Base sa kanilang 6:00 a.m. report, nasawi ang isang hindi pa nakilalang biktima nang umikot ang sinasakyang cargo truck nang salpukin ng flash flood sa Salug Dako River, Mahayag, Zamboanga del Sur noong Sabado ng alas- 5:30 ng hapon.

“The victims were on board a cargo truck when a strong current coming from the said river hit the vehicle, which caused it to overturn,” ayon sa ulat ng NDRRMC.

Ayon pa sa NDRRMC, ang naturang flash flood ay bunsod ng malakas na ulan kung saan umapaw ang nasabing ilog at sumira sa spillway na kumokonekta sa Mahayag at Dumingag.

Samantala, nailigtas naman ang lima pang pasaherong sakay ng naturang trak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply