Flashfloods at landslides ibinabala sa Luzon

NAGBABALA kanina ang PAGASA na maaaring bahain at magkaroon ng landslides ang ilang bahagi ng Northern at Western section ng Luzon at ang Central Luzon kahit nasa labas na ng bansa ang bagyong Igme at kumikilos palayo ng bansa.

Ayon sa ipinalabas na bulletin ng PAGASA dakong alas-2:00 kaninang madaling araw, namataan ang bagyong Igme sa layong 420 kilometro ng Kanluran ng Basco Batanes

Taglay ni Igme ang lakas ng hangin na 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may bugso ng hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras.

Kumikilos si Igme sa Silangan Timog Silangan sa bilis na 7 kilometro bawat oras.

Kahit papalyo na sa bansa, magdadala naman ng pag-ulan ang bagyo sa ilang bahagi ng Hilaga at Central Luzon na maaaring magdulot ng flashfloods at landslides dahil sa umiiral na hanging Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply