FOI bill usad-pagong sa Kamara

PINUNA ngayon ng mga nag-susulong sa Freedom of Information (FOI) Bill ang kabagalan ng House Committee on on Information dahil hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na aksyon dito.
Partikular na nasisisi ngayon si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng komite, dahil sa pagdi-dribble nito sa nasabing panukala kaya na-uudlot ang pag-usad nito sa plenaryo.

Giit nina House Deputy Speaker Erin Tanada at Akbayan Rep. Walden Bello, apat na taon nang isinusulong ang FOI bill sa Kongreso at long overdue na ito.

Hinog na, anila, ang panukalang batas upang ito ay ipasa subalit ayon kay Tañada, simula noong buwan ng Enero ay isang beses lamang nagsagawa ng hearing.

Samantala, bagama’t hindi tahasang nanawagan sina Tanada at Bello para alisin si Evardone bilang chairman ng public information committee ay ipinauubya na lamang umano ng mga ito kay Speaker Feliciano Belmonte ang desisyon.

Ang hinala naman ni Ifugao Rep. Teddy Brawner, sinasadya lamang ni Evardone na i-hostage sa komite nito ang FOI bill kayat mistulang pinipigilan nito ang Kongreso na makibahagi sa kampanya ng gobyerno na labanan ang korapsyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply