Force evacuation sa paligid ng Abacan River ipinatupad

DAHIL sa patuloy na pag-apaw ng ilog mahigit 100 residente sa paligid ng Abacan River sa Angeles City, Pampanga ang sapilitang inilikas ng mga lokal na opisyal.

Batay sa ulat, napinsala rin ang isang dike sa lalawigan na nagresulta sa flashfloods sa San Fernando City, mga bayan ng Santo Tomas at Bacolor dahil sa walang tigil na ulan.

Umapela naman ang pamahalaang panlalawigan sa mga residente na unahin ang kanilang pamilya at agarang lisanin ang kanilang mga bahay na malapit sa ilog o apektado ng baha.

Matatandaan na kabilang ang Pampanga sa mga lugar na nananatiling nasa ilalim ng state of calamity dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply