Frogmen, rubberboats ikinasa sa Malabon, Navotas

NAGPAKALAT ngayon ng 4 na team ng frogmen at rubber boats ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga binahang lugar sa Malabon at Navotas.

Ayon kay PCG Spokesman Lt. Cmmdr. Arman Balilio, tutulong ang grupo para ilikas ang mga residente na apektadong ng pagbaha.

Naka-standby na rin ang may 90 search and rescue personnel ng PCG na nakahandang tumugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Maging sa kahabaan ng bay walk ay nagtalaga rin ang ahensya ng kanilang tauhan upang mabantayan ang sinuman na manonood ng malalaking alon sa baybayin ng Manila bay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply