Full military honors kay Robredo

PINAGKALOOBAN kaninang umaga ng full military honor ng Armed Forces of the Philippine ang labi ni Sec. Jesse Robredo mula sa paglapag ng Philippine Air Line Cargo Plane  naghatid sa kalihim  sa Villamor Airbase mula Ninoy Aquino International Airport .

Ayon kay AFP Spokesman Col Marcelo Arnulfo Burgoz, agad na binigyan ng full military honors ng AFP si Sec. Robredo na naka silid sa kabaong na nakabalot pa rin ng bandila ng Pilipinas at dinala sa Malakanyang para iburol hanggang Linggo.

Nabatid na bukod sa arrival, funeral honors sa pagdating ng bangkay sa Villamor air base na binigyang pugay ng
battalion size ceremonial elements mula Philippine Army Philippine Navy, Philippine Air Force at general headquarters, ay pagkakalooban din ang kalihim ng departure honors sa darating na linggo pabalik ng Naga.

Nabatid pa sa taga-pagsalita ng Hukbong Sandatahan, na maging sa interment sa Naga ay pagkakalooban ng AFP din ito ng military honors bilang tribute ng Sandatahang Lakas sa kalihim.

Habang ang ceremonial honors naman para kay Robredo sa malacanang ay iginawad  ng  presidential security group.

‘Those persons that are entitled to funeral honors and services are from, ranging from the veterans  of previous wars and recognized guerillas, veterans of expeditionary forces, active and retired military personnel, honorably separated military personnel and this is where the honorable secretary falls, government  officials and VIPs as directed by the SND and the president,” paliwanag pa ni Burgos hinggil sa mga posibleng gawaran ng military honors.

Naka-saad umano ito sa Section 10 of the AFP regulations entitled funeral honors and services.

Kasalukuyang nakaburol na ngayon ang labi ni Sec. Jesse Robredo sa Kalayaan Hall sa Palasyo ng Malacañang.

Sinasabing ito ang kauna-unahang pagkakataong may ibinurol sa Kalayaan Hall dahil karaniwang sa Heroes’ Hall ginagawa ang state funeral o kaya sa labas ng Malacañang.

Mismong ang Pangulong Aquino ang sumalubong sa labi ganap na alas-11ng umaga at inimbitahan sina Atty. Leni Robredo papasok sa Kalayaan Hall.

Pagpasok ng convoy, agad sinalubong ito ng three-volley salute na kinabibilangan ng pagpapaputok ng kanyon.

Sinundan ito ng pagtugtog ng Lupang Hinirang at ang 19-gun salute para makompleto ang full-military honors.

Kabilang sa honorary pallbearers sina Sec. Florencio Abad, Sec. Mar Roxas, Rep. Jun Abaya (Liberal Party), Harvey Keh (Kaya Natin Movement), Alice Murphy (Urban Poor groups) at Joan dela Cruz ng DILG.

Maliban sa mga miyembro ng gabinete, dumating din sa seremonya sina House Speaker Sonny Belmonte, Senate Pres. Juan Ponce-Enrile, Sen. Gringo Honasan, POC chairman Monico Puentevella at ilan pang miyembro ng Kongreso kasama si manila Mayor Alfredo S. Lim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply