Ga Young Kim ng Korea nagreyna sa Yalin World 10-Ball Championship

MANILA, Philippines— Nagreyna si Ga Young Kim ng Korea sa Yalin Women’s World 10-Ball Championship nang magapi si Siming Chen ng China sa finals, 9-5, kagabi sa Robison’s Galleria sa Ortigas.

Ang panalo ni Kim ay ang muling nagpabalik sa South Korea sa pamumuno sa women’s pool.

Mabilis na sinimulan ni Kim ang kanyang kampanya sa finals sa pagkubra ng tatlong racks at 15 minuto pa lamang nakuha na niya agad ang 4-1 lead.

Ikinabigla ni Chen ang maagang pananalasa ni Kim bagama’t may maganda siyang tira pero hindi sapat para makontrol niya ang cueball. Habang sa panig naman ni Kim ay patuloy ang kanyang dominasyon sa laro kasama na ang accurate shot niya.

Tangan ni Kim ang, 9-3 rack score ay nabigyan ng pagkakataon si Chen sa laro matapos ang safety shot ni Kim. Isang magandang karambolang tirada para mahulog ang 3-ball kasunod ng tamang pagpasok sa 10-ball tungo sa pagtapyas sa 9-4 hanggang sa paglapit sa 9-5 pero hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Kim tungo sa 10-5 na tagumpay.

“I really did not practice any more than usual for the event, but I was doing a “Dancing with the Stars” TV show in Korea leading up to the World Championship, and so I was really in a happy mood. So I think my happiness and positiveness carried over to here this week”, paliwanag ni Kim ng tangunin siya kung may iba ba siyang paghahanda na ginawa ngayong taon.

“I have improved my result from last year, so I am happy about that. I am getting closer”, sabi ni Chen sa kanyang speech.

Tinalo naman ni Chen ang kababayan na si Xiao Fang Fu, 9-6, sa isang all Chinese semi-finals para makapasok sa finals.

Habang si Kim na muntik-muntikan nang makopo dati ang World 10-Ball crown kung saan siya ay Silver sa 2010 at Bronze sa 2011ay pinadapa ang kababayan na si Yu Ram Cha, 9-5, sa isa namang Korean Final Four para makuha ang isa pang finals berth.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply