Galit ang CBCP sa mga Atenista

BAGO ang lahat, maliwanag ang aking posisyon sa Reproductive Health Bill.

Ang gustong mag-contraceptive, kasama na ang condoms, para hindi mabuntis ang isang babaeng nakikipag-sex ay okay lang maliban na lamang kung ang gagastos sa pagbili ng contraceptives ay ang gobyerno.

Hindi sang-ayon diyan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines at siyempre pati ang Papa sa Roma na kung saan siya ang kaisa-isang puno ng Simbahang Katoliko.

Ang utos ng Papa, katulad ng utos ng isang hari, ay hindi nababali at hindi puwedeng kuwestyunin. Ganoon din siyempre ang utos ng CBCP sapagka’t sila ang hari ng simbahan
sa Pinas.

Kaya nga’t nagbabala ang CBCP kamakailan sa mga guro at estudyante ng Ateneo de Manila University na sila ay patatalsikin sa paaralang ito kung pabor sila sa RH bill.

Ano ba ang posisyon ng kaparian sa RH bill? Ang tanong ng CBCP sa atin: Ano ba ang gusto ninyo, buhay o kamatayan?

Kung buhay ang pipiliin ninyo, tanggihan ninyo ang RH bill. Kung kamatayan ang nais ninyo, sige, mag pro-contraceptives kayo.

Ano bang buhay at kamatayan ang pinagtatalunan dito? Ito ay ang “unborn child.”

Ang may kasalanan talaga sa salitang “unborn child” ay ang mga framer of the Constitution na hinirang ni President Cory Aquino noong siya ay may dictatorial powers pa after the EDSA so-called revolution.

Eto ang sabi ng Konstitusyon:

“The State xxxxx shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception (Art. II, Section 12).”

Paano mo naman mapapatay ang isang “unborn”, eh, hindi pa nga ipinanganganak ang bata?

At ano pa ang sabi ng Constitution tungkol sa article 11: “The State values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights (Art. II, Section 11).”

Ang batang hindi pa ipinanganganak ay siyempre, hindi bata yan, at tiyak na walang buhay iyan.

At kung hindi pa ito ipinanganganak, siyempre, wala itong human rights at lalong walang human dignity.

Ang ugat ng pagtatalong ito ay ang palpak na Constitution natin na ginagamit ng Simbahang Katoliko at pamahalaan mismo.

Halimbawa, bawal maki-alam ang “state” sa simbahan, pero ang simbahan, puwede siyang makialam sa state o gobyerno.

Puwede ring tanggalin ang mga propesor ng Ateneo kung pro-RH bill sila. At hindi puwedeng makialam ang Department of Labor, Department of Education at ang Commission on Higher Education.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply