Galit inisnab, motor ng pulis winasak ni misis

WASAK ang motorsiklo ng isang pulis nang talikuran niya ang kanyang misis na sumugod sa kanya habang nasa duty sa Laoag City.

Nabatid na nagsasagawa ng imbestigasyon si PO1 Samuel Rabang Jr. sa gulo ng mga tricycle driver nang sugurin at awayin ng kanyang misis na si Leilani Rabang.

Dahil sa inis ay iniwan ni Rabang ang misis na lalong nagpuyos sa galit.

Dito na pinagbalingan ni misis ang motorsiklo ng mister saka tinusok ang gulong sa likod at tinanggal ang side mirror saka pinagsisira.

Hindi naman malaman kung ano ang ikinagagalit ng babae.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply