Garbage collection fee, iminungkahi ng MMDA

ISINISULONG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang plano na pagbayarin ang mga residente sa pagtatapon ng basura.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino na dapat may bayad na ang pagtatapon ng basura ng mga residente ng Metro Manila para masugpo ang pagdagsa ng basura sa lansangan.

Ayon kay Tolentino, layunin nito na maiwasan ang pagkalat ng basura na basta na lamang itinatapon ng mga residente.

Sa ilalim ng panukala, titimbangin ang basurang makokolekta at magiging per kilo ang bayad.

Magiging door-to-door din ang pangungolekta ng basura at kasabay nito ang mahigpit na pagpapatupad ng anti-littering law.

Kapag hindi nakabayad ay hindi kokolektahin ng mga basurero ang basura.

Aniya, ito ang nakikitang resolusyon ng MMDA sa lumalalang problema ng basura sa Metro Manila.

Patunay dito ang tone-toneladang basura na inanod sa Roxas Boulevard mula sa Manila Bay nang tumama ang malalaking alon na dulot ng Bagyong Gener na galing umano mismo sa mga residente at establisimyento sa Metro Manila.

Gagamitin ng MMDA bilang katuwang sa programa ang mga barangay official para sa implementasyon ng garbage collection fee.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply