Gasolinahan sa Caloocan hinoldap

LIMAS ang kita maging mahahalagang gamit ng mga empleyado ng isang gasolinahan makaraang holdapin ng riding-in-tandem kaninang madaling araw, Agosto 14.

Nabatid na nagpanggap na kostumer ang mga suspek at nang makatiyempo ay nagdeklara ang mga ito ng holdap.

Hindi naman nakilala ng mga empleyado ang mga suspek dahil nakabalot ang mukha ng mga ito ng damit.

Nilimas ng mga suspek ang magdamag na kita ng naturang gasolinahan maging ang gamit ng mga empleyado na aabot sa P10,000.

Hindi rin nakapalag ang guwardiya ng gasolinahan dahil bukod sa wala itong armas ay wala rin siyang radyo upang makahingi ng tulong sa pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply