Gasoline boy patay sa kinakargahang sasakyan

BASAG ang bungo at nalasog ang katawan ng isang 23-anyos na gasoline boy nang maipit sa pagitan ng gasoline pump at ng kotseng kinakargahan niya ng gasolina makaraang salpukin ito ng isang sports utility vehicle na unang binangga ng isang wagon sa Muntinlupa city.

Dead on arrival sa Asian Hospital ang biktimang si Paul Aldrain, nakatira sa 188 Bautista St., Bayanan, Muntinlupa habang sugatan at dinala rin sa naturang pagamutan ang isa pang gasoline boy na si Janel Christian Sereos, 19 at si Jhonathan Carlson, 40, ang driver ng Kia wagon (ACK-200) na naging dahilan ng karambola.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Aljomar Cabanit ng Muntinlupa Traffic Enforcement Unit, mabilis na tinatahak ng Kia wagon ang kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) patungong Laguna nang mawalan ng kontrol at salpukin ang sinusundang Mitsubishi Adventure (CSJ-960) na minamaneho ni Noel Corpoles, 48, dakong alas-7:15 ng umaga sa Barangay Putatan, ilang dipa na lamang ang layo sa Shell gasoline station.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nawalan na rin ng kontrol sa manibela si Corpoles at lumiko ang kanyang minamanehong sasakyan patungo sa gasoline station kung saan sinalpok niya ang kotseng Chevrolet (ZSC-143) na pinakakargahan ng gasolina ni Isabel Escudero, 28, sa nasawing biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, naipit si Aldrain sa pagitan ng kotse at gasoline pump na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply