Gate ng Magat Dam, isinara na

IPINAHAYAG ngayon ng Hydromet Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na nabawasan na ang bilang ng mga dam na nagpapakawala ng tubig nang isara ang gate ng Magat Dam kaninang alas-5:00 ng madaling araw.

Nasa 189.70 meters na kasi ang lebel ng tubig sa nasabing dam mula sa 190.90 meters kahapon ng umaga.

Nagpapakawala naman ng 470 cubic meters per second na dami ng tubig ang San Roque Dam sa pamamagitan ng dalawang nakabukas na gate na tig-1.5 meters.

Naglalabas naman ng 471.70 cubic meters per second na dami ng tubig ang Ipo Dam sa tatlo nitong gate na nakabukas ng tig-3.3 meters.

Tatlong gate naman na may tig-tatlong metro ang nakabukas sa Angat Dam na nagpapakawala ng 440 cubic meters per second na dami ng tubig.

Umaabot naman sa 360 cubic meters per second ang pinakakawalan na tubig ng Binga Dam sa pamamagitan ng tatlo nitong gate na nakabukas ng tig-2.5 meters.

Isang metro na lang ang opening sa dalawang gate ng Ambuklao Dam na nagpapakawala ng 180 cubic meters per second na dami ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply