Gawad Jesse Robredo for developmental journalism

NAPAKALUNGKOT na malalaman lang natin ang tunay na ningning ng isang tulad ni Sec. Jesse Robredo kapag namatay na siya.

Marahil dito makikita ang pagkukulang natin sa media. Aminado ang ilang editor ng broadsheets na pati sa hanay nila, maraming reporter ang sanay sa sensational journalism.
‘Yun daw kasi ang gusto ng publiko.

O, hindi lang media pala kundi pati tayong mga nagbabasa ng diyaryo, nakikinig ng radyo at nanonood ng tv news ang may kasalanan kung kaya’t di natin nababalitaan ang mga ginagawang kabutihan ng mga taong tulad ni Robredo.

Siguro ang tinuturo sa atin ng pagpanaw na ito ni Robredo ay napapanahon na para baguhin na natin ang sistema ng pamamahayag sa ating bansa. Iwasan na natin ang sensational journalism at subukan na natin ang tinatawag na developmental journalism.

Marami sa mga Metro Editor na nakausap ko ang aminado na napakaraming nagaganap na pagbabago at kakaibang programa sa local level.

Marami na kasing mga dynamic leader ngayon sa mga local government natin na matitino ang palakad, innovative ang mga project, at transformational leadership ang ibinabahagi.

Of course, marami pa ring tiwali sa hanay ng mga mayor, governor, atbp. Pero sayang naman ang mga national treasure tulad ni Robredo na ‘di pa natin nadidiskubre.
Marami po riyan. Maniwala po kayo! Hindi lang po kasi napi-feature ng media kaya gan’un.

Bilang presidente ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM), isa sa mga pangarap ko ay ang magkaroon ng Annual Awards para sa Developmental Journalism.
Naniniwala kasi ako na marami ring mga idealistic na journalists at reporters ang gustong magsulat o magreport tungkol sa mga balitang kaaya-aya, developmental kumbaga, pero alam nilang di naman gagamitin ang kanilang mga istorya.

So, kakailanganin din natin ang tulong ng mga editor sa ninanais natin na pagbabagong ito.

Baka sakali, kung may ganitong klaseng awards na credible at prestigious … maaaring pati itong mga sensational journalism ang orientation ay mag-aspire na ring manalo nito.

Huwag na nating hintayin na may mamatay na naman na tulad ni Robredo para saka lang natin malalaman ang kakaibang kontribusyon nila sa ating bansa.

Kailangan naming mga PIO sa AIMM ang tulong ng U.P. Masscom, ng mga editor ng Metro page at news desks, mga corporate sponsor, at ni Cheche Lazaro para masimulan na ang Gawad Jesse Robredo for developmental journalism.

Kung meron na nito … di na kailangang mamatay ng mga tulad ni Robredo para lang malaman ang kontribusyon nila sa ating bayan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply