Gaybar na tambayan ng mga mahihilig sa macho dancer

BILIB naman talaga ako rito sa WHITE BIRD Gaybar Disco sa Baclaran cor Roxas Blvd., Parañaque City.

Hanep, kahit ilang beses na nating pinagbabanatan ang gaybar na ito sa teritoryo ni Parañaque Mayor Florencio Bernabe dahil sa pinamumugaran ito ng mga mahihilig na matrona, bading at babaeng nagta-trabaho sa club ay hindi pa rin ito hinuhuli ng kapulisan hanggang sa ngayon.

Ang balita natin ay malaki raw ang tinatanggap ng lokal na pamahalaan at kapulisan ng siyudad.

Totoo ba ang mga nababalitaan ko, Mayor Bernabe at COP Supt. Billy Beltran, na tumatanggap daw ang inyong mga tanggapan sa bahay-aliwan ng mga matrona, bading at mga babaeng club?

Mantakin ninyo, walking distance lang po ang layo ng simbahan ng Baclaran sa gaybar disco na yan.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit tila hindi natitinag ang gaybar disco na ‘yan ganung pinamumugaran ito ng mga matrona, bading at mga babaeng club na nagbabayad para lamang maka-sex  ang mga macho dancer na nagsasayaw ng hubo’t hubad  sa stage.

Gabi-gabi ay dinarayo ng mga parokyano nito ang nasabing gaybar disco.

Basta makursunadahan ng mga matrona, bading at club girl ang mga macho dancer ay kanila itong binibili at saka inilalabas.

Aba, Mayor Bernabe, nakahihiya na ‘yang iyong siyudad simula nang manungkulan kang alkalde ng siyudad.

Hanggang sa pagbaba mo bilang mayor sa 2013 ay hindi mo man lamang nasugpo ang prostitution sa White Bird Gaybar Disco na pag-aari ni Willie Pingol.

SUGALAN SA CAVITE TULOY PA RIN

Bilib naman ako rito kay Danny Itlog. Kahit na ipinagbabawal ng Region-4 ang iligal na pasugalan sa buong rehiyon ay patuloy ang pasugalan nito sa lalawigan ng Cavite. O Cavite PD Supt. John Bulalacao, kumilos ka naman.

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply