Generics Pharmacy nilooban sa Pasay

PINAGNAKAWAN ng ‘di pa kilalang suspek ang isang Generics Pharmacy kaninang umaga sa Pasay City.

Sa ininsiyal na imbestigasyon ni SPO3 Ronaldo Frades may hawak ng kaso ng Station Investigation Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police alas:6:45 ng umaga nang madiskubre ni Lourdes Paradero 64, may ari ng Paradero Building, na wasak ang bahaging pintuan ng Generics Pharmacy na nasa Libertad St., ng naturang lungsod.

Ayon sa mga imbestigador ginamitan ng isang bolt cutter ang padlock ng pintuan kaya nakapasok ang suspek sa loob ng Pharmacy at tinangay ang Computer Monitor na nagkakahalaga ng Php.5,000.00 Compuetr na CPU na may Php.10,000.00, at isang sub whopper na P1,500.00 ang halaga.

Nabatid na ang cash na pera na pinagbentahan ng Generic Pharmacy na nakalagay sa vault ay hindi nagalaw maliban sa mahahalagang gamit na tinangay ng suspek habang nasa kasagsagan ng buhos ng ulan.

Samantala nakatakda namn sumailalim sa finger print examination ang dalawang empleyado na sina Cristina Erasquin y’Gabriel 43 anyos may asawa at Robert Eric Alhambra 23, binata upang malaman kung sila ay may kinalaman sa naganap na nakawan sa Generics Pharmacy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply