Gerald Anderson walang balls!

KASALANAN ni Gerald Anderson kung bakit mas pinili ni Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang. May syota pala siyang iba, nanliligaw pa sa dalaga. At kung may balls siya dapat hindi siya sumuko sa panliligaw.

Binigyan siya ni Mommy Divine nang pagkakataon na ligawan ang kanyang anak, at nagbigay lang ito nang ilang kondisyones, umatras na siya. Tapos ngayon heto’t pinalalabas ng kanyang kampo na masamang babae ang Pop Princess. Na mapaglaro ito. Pinaasa lang daw niya ang aktor.

Magtigil nga itong mga suportadores ni Gerald.

Masama ba ang maging masunurin sa magulang? Kung kayo ay sige lang nang sige kahit kanino, si Sarah matinong babae. Hindi basta-basta siya nadadala sa kakisigan at kasikatan ng isang lalaki. Nakahanda siyang maghintay.

Hindi dapat iniisip ni Anderson na porket guwapo siya ay hindi siya dapat na natitimbog sa babae. Na kailangan ay hindi na siya maghirap sa panliligaw.

Sorry na lang dahil may dangal na babae ang tinatarget nya.

Ika nga, ‘pag walang tiyaga, walang nilaga’.

***

Pamilya Gutierrez suki ng mga korte

SI ANNABELLE Rama ay kaliwa’t kanan ang kasong libel case na hinaharap dahil sa rami nang kanyang mga kaaway. Mabuti naman si Ruffa Gutierrez ay natapos na ang pakikipag-tunggalian nito sa husgado sa kanyang ex-husband na si Yilmas Bektas para sa kustodiya ng kanilang dalawang anak at nanalo siya.

Samantalang si Richard Gutierrez heto’t binuksan ng Court of Appeals (CA) ang kasong reckless imprudence resulting in Homicide na isinampa sa kanya ni Lorayne Pardo, misis nang namatay niyang personal assistant dahil sa car accident na kung saan ang aktor ang driver. Ewan natin kung bakit may demandahang nangyari gayong aksidente ito. Sabagay, nakakita kasi nang butas ang widow ng kanyang PA dahil sa nakitang record sa LTO na reckless driving pala ang naging sanhi nang pagkakadisgrasya nila.

Sumasakit na siguro ang ulo ni Bisaya. Eh, ang lahat naman ay may katapusan.

***

Kapuso stars hahataw sa CDO at GenSan ngayon!

ILAN sa mga hinahangaang Kapuso stars ay handa nang umindak at sumayaw upang magbigay saya sa kanilang fans sa Mindanao. Bibisita si LJ Reyes sa Cagayan de Oro, at dadayo naman sa General Santos sina Mark Herras, Kris Bernal, at Chynna Ortaleza.

Isa si LJ sa mga naimbitahang sumali sa climate change awareness project na pinamagatang “Dance to the Beat of Mother Earth” na proyekto ng Junior Chamber International CDO chapter, organisasyong nagbibigay ng developmental opportunities para sa mga youth leaders and entrepreneurs.

Hahataw naman sa Kapuso Mall Show sa General Santos sila Mark, Kris, at Chynna. Baun-baon ang kanilang mga dance moves, handa nilang gawing isang malaking dance floor ang KCC Mall of GenSan.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga susunod pang regional events ng Kapuso station, sundan ang GMA Regional TV sa Twitter via www.twitter.com/GMARegionalTV.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes. 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply