Gilas II yuko sa Lebanon; nanganganib sa Iran

YUMUKO ang Smart Gilas Pilipinas II sa mahinang Lebanon, 72-91kahapon sa 34th William Jones Cup Men’s Basketball Tournament sa TPEC gymnasium sa Tienmu, Chinese Taipei.

Matapos ang apat na sunod na panalo ng PHL team ay inawat sila ng Lebanon ng dominahin ng huli ang apat na quarters.

Dahil sa pagkatalo ng Smart Gilas II ay nalagay sa crucial ang laro nila laban sa defending champion Iran ngayong hapon.

Nalaglag sa segundo puwesto ang Pinoy cagers na may 4-1 baraha kapareho ng USA habang solo na sa unahan ng team standings ang Iran hawak ang 5-0 win-loss card.

Maagang na foul trouble si Marcus Douthit kaya nawalan ng pambato ang Pilipinas II sa loob at rebounds.

Abante lang ng 11 points ang Lebanon sa halftime, 43-32 subalit lumobo ito sa third canto, 74-46.

Kumana ng 15 puntos si Gabe Norwood habang may tig-11 points sina Sol Mercado at Douthit para sa PHL team.

Samantala, pagkatapos ng Iran ay makakalaban ng Smart G II bukas ang Chinese Taipei A at kinabukasan naman ay ang Team USA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply