Gimikera ang asawa: Jose Manalo tuloy-tuloy ang sustento sa mga anak

KAYA hindi apektado ang career ni Jose Manalo lalo na sa daily street hosting nila ng kabagang na sina Wally Bayola sa sugod-Bahay sa Barangay sa Eat Bulaga ay dahil compared sa kanyang asawang si Annalyn, na kay Jose ang simpatiya ng publiko. Ang totoo niyan, noong kasagsagan nga ng panggugulo sa kanya ng kanyang misis kung saan kinasuhan siya nito, (nabasura na ang nasabing kaso) lumabas pa sa TV ang endorsement ni Jose para sa Alphine Milk at Mang Inasal.

Kasi nga hindi naman tanga ang publiko at alam nilang naapi ang hinahangaan nilang Dabarkads. Yes, hindi biro ang mga kahihiyang inabot ni Jose rito kay Annalyn. Nandiyang sugud-sugurin siya nito sa barangay na pinagdarausan ng Juan for All, All for Juan at talagang pinipisikal nito ang TV host comedian.

And speaking of his kids, hanggang ngayon ay hindi sila pinababayaan ni Jose. “Di baleng wala na akong maisusubo sa bibig ko basta may maibibigay lang ako sa kanila. Siguro, magiging okay naman ang lahat,” sabi pa ni Jose sa isang interview. So, maling-mali at walang katotohanan ‘yung isyung pinalalabas ni Annalyn na nagbebenta na lang siya ng kung anu-anong kagamitan para may maipakain lang sa mga anak nila ni Jose.

Hay naku! Tigilan na kasi ‘yan no! at wala namang magandang maidudulot ang mga ganyang siraan lalo pa’t tatay ng mga anak mo ang sinisira mo. Klarung-klaro gyud!

***

The Buzz, hinding-hindi na mapatataob ng kahit anong showbiz talk show na itapat ng GMA7 at TV5

HINDI naman siguro aabot ng 13 years sa ere ang The Buzz ng mga magagaling at respetadong hosts sa pangunguna ng ating King of Talk na si Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales kung hindi sila ang pinagkakatiwalaan ng milyun-milyong televiewers rito sa Pinas at iba’t ibang panig ng mundo lalo na sa paghahatid ng mga makatotohanan at bagung-bagong showbiz news sa harap at likod ng kamera na sa The Buzz lang exlusive na mapanonood.

Hindi na mabilang ang mga isyung pinasabog ng nasabing world-class showbiz talk show na lumikha talaga ng ingay sa showbiz world na kinabibilangan ng TV, print, radio at social network media.

At ngayong linggo, maraming nakalap na exclusive controversial stories ang The Buzz at darating pa ang isa sa bida ng Ultimate barkada movie event of the year na “The Reunion” na si Xian Lim kasama ang mga co-Kapamilya stars na live guest rin sa araw na ito. Sa lampas dekada na ng The Buzz, maliban sa consistent ang show sa kanilang pagiging number one sa rating games, sa lakas, tatag at tibay ng Sunday showbiz talk show ay hinding-hindi na ito mapatataob ng mga programang itatapat sa kanila ng TV5 at GMA 7 kung saan dalawang showbiz programs na ng network (S Files at Showbiz Central) ang winalis nito sa ere.

At dahil sa malaking tagumpay ng The Buzz, nais naming papurihan ni BFFT Pete A. ang mga taong behind the show led by their business unit head Sir Louie Andrada, beloved Angel Sir Roxy Liquigan, and Sir Mico del Rosario (parehong head ng productions), Ms. Nancy Yabut (executive producer), sa mga masisipag at mabibilis kumalap ng scoop na  writers and researchers specially sa director ng show na si Direk Onat Diaz and of course, sa mga famous hosts nitong sina Kuya Boy, Toni at Charlene.

More, more years to come gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply