Ginagamit ang sikat na alaga para gatasan ang mga baguhan!

ANG tindi ng dekwateric ability ng aging produ na ‘to na walang awang iniisahan at dinidekwatan ang mga bagu- hang kanyang nadadala sa tamis ng kanyang dila. He’s a glib talker and is very much capable of extorting money from starry eyed newcomer who are palpably impressed with his status and achievements.

Ang cheap!

For quite sometime now, he’s made life miserable for naive singers who had the impression that they’re in good
hands simply because the personality in question had the image of a big-time star builder.

Sa totoo, awang-awa kami sa isang mahusay na female singer na matagal na nagtrabaho sa Merika at sa Middle East para lang sunugin ng walang atay at balun-balunang na wrangler na ‘to ang kanyang hard-earned earnings.

Kapal! Over sa kapalllllllll!

Halos mabaliw talaga ang singer in question nang lumipad ang milyones niya nang wala namang ROI (return of in-
vestment) na maituturing.

Ang nakababaliw pa, humihirit na naman daw ang walang konsensiyang tanders na maglabas na naman ng another two or three million ang ang female singer na para bang one of those things lang ‘yun samantalang milyones na ang nailabas nu’ng tao.
Overrrrrr!

‘Yung isa pang kakilala namin ay kinontrata rin kuning-kuning ng wily as snake na tanderaketch na ito.

Flattered siyempre ang bagets dahil big-time nga ang produ. Ang kaso, nang mailabas na ng faderaketch niya ang milyones, babetch na ang raketerong tanders at naiwang tulala ang bagets pati na rin ang mga magulang niyang nag-aakalang may magagawang milagro ang walang atay at balun-balunang matanda sa anak nilang, in fairness, ay mahusay naman talagang singer.

Hay, naku! I could go on rattling names of disillusioned newcomers and I would never run out of names.

Sana man lang, tigilan na ng dekwaterong DOM na ‘to ang kanyag cheap na modus operandi dahil nakahahabag naman ang mga taong nabibiktima niya na umaasang siskat din sila at magkakapangalan tulad ng female singer na ipi-nangbubukeke ng syolbong gurangis na ‘to.

Ang bad karma, lolo. Ikaw rin, baka muling magbalik ang sakit mo.

Yosi kadiri!

***

Mr. Huge is back!

MR. Huge is back looking neater, sexier and hunkier modelling the newest, darker, sexy side of N2N…the BLACK COLLECTION that’s available at PacificJock.com first week of September.

Anyhow, mula nang i-feature namin siya rito sa ating top-selling tabloid (one of the hottest in the country today! Hahahahaha!), di na talaga mapakali ang mga vaklungs.

Insatiable raw ang kanilang appetite kung kasing daks ni Mr. Huge ang makatatabi nila sa pagtulog. Hahahaha!

So, here he is for you guys to fantasize on. Hahahahahaha!

As always, bawal magtikol! Hakhakhak!

***

Ate Vi’s The Healing, iba talaga ang arrive sa takilya!

IT’S different when a real star (one that’s unfading and not ephemeral like most young actors of today.Hahahahaha!) does a movie.

Meron itong class na maituturing at naiibang staying power.

Queenstar Vilma Santos’s The Healing happens to be a perfect example.

Mag-iisang buwan na yata itong palabas sa mga sinehan pero bongga pa rin ang reception ng publiko.

Sabihin man ng kanyang mga okray na detractors na it, supposedly, didn’t make money, (Hahahahahahahahaha!) who, the hell, cares?

The truth will always set you free if I may qoute an adage.

Magngangawngaw man ang mga followers ng isang mahusay na aktres, wala na silang magagawa dahil certified block-buster ang The Healing at perfectly impressive ang showing nito sa box-office na hindi kayang itumba ng mga Habagat na ‘yan at kung anu-anong kaekekan. Hahahahahahaha!

Vilma Santos yata ‘yan, noh? Hahahahahahahaha!

Maraming salamat nga pala sa mga Vilmanians all over the globe who are perennially texting us to express their thanks for regularly featuring the Queenstar for all seasons here at Remate.

I do get to read your superfab messages my dears. I just can’t text you back because it’s kinda expensive to be doing that. Hahahahahahahahahaha!

Di naman ako si Ate Vi who’s veritably loaded. Hakhakhak!

But rest assured that I do get to read your veritably inspiring messages and that I certainly do love them.

Maraming, maraming salamat!

***

GMA network, nagwagi ng 6 na tropeyo sa excellence in multi-cultural marketing awards

MULING kinilala ng National Association for Multi-Ethnicity in Communications o NAMIC ang GMA Network, Inc. matapos itong manalo sa anim na kategorya sa prestihiyosong Excellence in Multi-Cultural Marketing Awards.

Ito ang pinaka-maraming beses na nagwagi ang international business unit ng GMA sa nasabing kompetisyon kabilang ang dalawang first place awards na nakuha nito para sa kanilang mga mahuhusay na marketing strategies.

“We have been recognized by NAMIC almost every year since GMA Pinoy TV was launched in 2005,” saad ni GMA International Vice President and Head of Operations Joseph T. Francia. “It is worth noting that the awards we received this year honor different tactics in our integrated marketing mix covering the gamut of our 360-degree approach to reaching our existing and potential subscribers, from our digital initiatives to more traditional schemes.”

Ang mga proyekto ng GMA na nagwagi ng first place ay ang “Support Manny Pacquiao” online campaign (Digital Category) at ang GMA International magazine na “Kapuso Abroad” (Grassroots Category).

Ang Support Manny Pacquiao Campaign ay naglikom ng iba’t ibang mensahe mula sa mga Pilipino na ninirahan sa US, Asia Pacific at Middle East para kay Pacquiao bago at matapos ang kaniyang pinaka-huling laban kay Juan Manuel Marquez.
Nagpadala ang mga Kapuso viewers ng mensahe sa pamamagitan ng YouScoop na ipinilabas sa mga in- ternational channel ng GMA.

Ang Kapuso Abroad magazine naman na naglalaman ng mga pinaka-bagong balita sa mga Kapuso shows at celebrities ay binuo para mismo sa mga Pilipinong naninirahan abroad. Dahil sa lumalaking demand para sa KA ay gumawa na rin ng digital version ng magazine na ito ang GMA International.

Samantala, nagwagi naman ng third place sa Experiential Marketing category ang Eat Bulaga Live in San Francisco na ginanap noong March 30. May halos 6,000 attendees mula sa San Francisco at Northern California ang naka-saksi sa espesyal na pagtatanghal na ito ng number one noontime show sa bansa.

Iba pang third place awardee ng GMA ay ang partisipasyon ng GMA International sa The Outstanding Filipino Ame- rican Awards (Diversity Awareness category) kung saan nakakalap ito ng 14,000 likes sa Facebook; ang mga non-woven eco-friendly bags (Premium category) na sumasalamin sa aktibong partisipasyon ng GMA sa Corporate Social Responsibility at environmental protection; at ang “Pinoy Inbox” (Television Category) na isang on-air free advertising service para sa mga Pinoy TV subscribers.

“This is a fitting reward for our hard work especially as we celebrate our 7th anniversary this year,” pahayag ni Francia. “These awards are a validation of our efforts to innovate and be more creative in our marketing ef -forts, and to be even more relevant in today’s highly competitive, fast-evolving pay-television landscape. We are truly honoured to receive these recognitions from a prestigious organization such as NAMIC,” dagdag pa niya.

Ang NAMIC ay isang international organization na kumikilala sa mga multicultural marketing practices ng mga miyembro ng cable industry. Ito ay itinatag noong 1980 at may halos 2,700 na miyembro mula sa 16 chapters sa buong mundo. Ang awarding ay gaganapin sa September 11 at 12 sa Hilton New York.

Samantala, ang GMA International ay ang namamahala sa overseas distribution ng flagship channel ng GMA, ang GMA Pinoy TV, gayon din ang GMA Life TV, GMA News TV International, DZBB at DWLS. Ito ay may higit 2 milyong viewers sa iba’t ibang pay-TV platforms sa 90 bansa sa buong mundo.

***

Too much decoration destroys the position

NAKATATAWA ang hitsura sa ngayon ng isang sexy actress (actress in the sense na bongga siya kung mag-emote unlike sa sister niya na kulang pa ng depth) na ilang beses na yatang nagpa-churva ng kailungan. Hahahahaha!

Ang kapraningan kasi ng mga artista sa ngayon, tipong di sila makuntento sa kung anuman ang ibinigay ng Diyos
sa kanila.

Honestly, her nose was well-sculpted before she had the stupidity of having it reshaped into something despicably repugnant. Hahahahahahahaha!

‘Yung pagpapaayos niya ng kanyang boobsies ay okay naman dahil lalong naging firm ito at kaaya-ayang tingnan.

Maganda rin naman ang resulta ng halos ay weekly glutha injections niya para ma-maintain ang kanyang flawless skin tone, pero ang nakasamang talaga ay ang kanyang nosejob na hindi talaga bumagay sa kanya at sumira sa magandang shape ng kanyang ilong. Hahahaha!

Lately, pinatapyasan na naman yata niya ang kanyang nosing at parang nag-iba tuloy ang over-all appearance ng kanyang mukha. Hahahahahahahahaha!

Kung bakit kasi maganda na ang ilong dati, di pa nakuntento at pinagalaw nang pinagalaw.

Ang ending, parang di na siya makilala ng mga otawzing. Hakhakhak!

Nakatatawa (hayan, bobang Ferminata, salitang ugat ang inuulit, huh? Hahahahahahahaha!) talaga ang kanyang it-
zu lately. Parang hindi na talaga siya at iba na ang kanyang arrive.

Kaya kayo riyan, bago ipagalaw ang inyong mukha, pakaisipin ng ilang libong beses dahil kadalasan, sa halip na
makatulong ay lalo pang nakasasama.

Tingnan n’yo na nga lang ang nangyari sa isang aging diva na pinatulisan nang husto ang kailungan, para na siyang retokadong talangka. Hahahahahahahaha!

‘Yung isa namang aging actor na okay naman ang shape ng ilung ay nagpa-churva rin.

Ang ending, parang nagkabukol siya sa ilong kaya deformed na tuloy ang arrive. Hahahahahahaha!

‘Yung nga ring isang aesthetician ay nasira talaga ang simpleng ganda at di na maidilat ang mga mata (how untakably gross! Hakhakhak!) dahil nagpa-deepset eyes tapos may nerve yatang natamaan kaya hirap na siyang i-dilat ito. Hahahahahahaha!

‘Yun na nga lang isang female singer na kulang sa wetpaks ay nagpalagay ng collagen eklaboom sa kanyang wet-
paks para lang ipatanggal ito after a year dahil nagkaroon daw ng nana (puss) at kumikirot kadalasan.

Kaya kayo riyan, pakasiguruhing competent ang cosmetic surgeon na gagawa sa ilong, boobsies at iba pang parte
ng inyong katawan dahil baka sa halip na gumanda kayo ay magmukha tuloy kayong bruha. Hahahahahahahahahahaha!
‘Yun na!

***

Ms. Claire, from super diva to hot manager

IBA ang arrive ni Ms. Claire dela Fuente.

Kung dati ay hinahangaan siya dahil sa kanyang cool, melodious voice na hataw pa rin ang arrive sa music afi-cionados of today, of late she has become one of the hottest talent managers in Tinsel town.

Kita n’yo naman ang kanyang Mida’s touch.

Hayan at hataw ang arrive ng kanyang number one talent na si Sam Pinto, hindi rin naman nagpapakabog si Bela Padilla na may afternoon soap ng gagawin sa Kapuso network kung saan siya, naturalmente, ang lead actress.

On the side, may launching movie na ang alaga niyang si na ilo-launch ni Papa Jessie Ejercito by way of the remake of the movie Menor de Edad.

Hindi rin nagpapakabog ang isa pa niyang alagang si    na may launching movie naman sa Viva.

Pabolosa, di ba naman? Ikaw na ang hawakan ng isang matino at intelehenteng talent manager tulad ni Ms. Claire na may class talaga ang dating. Hahahahahahaha!
‘Yun lang!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com
and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my
love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply