Ginang dumalaw sa nakakulong na kaanak, arestado sa shabu

TAGUIG CITY – Isang ginang na dumalaw sa kanyang kaanak na nakakulong sa Quezon City Annex Building, Camp Bagong-Diwa, Taguig City ang agad na inaresto ng jail officer matapos itong magtangkang magpuslit ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu sa nasabing piitan noong Lunes ng umaga.
Kinilala ni BJMP Jail Officer 1 Merdelyn D. Balinang ang suspek na si Umulher S. Delman, 31, maybahay, nakatira sa Purok 6, Blk. 24 Lot 42 3 Masambay St., Brgy. Maharlika ng nabanggit na lungsod.

Sinabi ni JO1Balinang na dakong 11:20 ng umaga ng matagpuan nito sa kanyang isinagawang visual body search ang tatlong maliit na plastic sachets na naglalalaman aniya ng shabu doon mismo sa loob ng tsinelas na bitbit ng ginang.

Aniya, nakatawag pansin sa kanyang ginawang pananaliksik ang ‘di pangkaraniwang hiwa ng tsinelas na dala ng ginang kaya naisipan niya itong suriin at nang tumambad sa kanyang paningin ang bagay na natuklasan ay agad niya itong hinuli at ipinarating sa kanilang pamunuan ang pangyayari.

Gumawa naman ng agarang hakbang ang Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group ng dalhin sa kanilang himpilan ang pinaghihinalaang salarin.

Positibong kinumpirma ng SPD Crime Laboratory na ang nakuhang ebidensiya ay shabu.

Nahaharap sa kasong illegal possession of dangerous drugs ang ikinulong na ginang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply