Ginang ginilitan ni mister, patay

PATAY ang isang ginang matapos na laslasin ang kanyang leeg ng kanyang mismong asawa sa Brgy. Balucuan, Dao Capiz.

Halos maghiwalay na ang ulo at katawan ng biktimang si Myerna Barrios, 51, nang gilitan ng kanyang asawang si Jose Barrios, 47.

Bago matagpuan ang bangkay ng biktima, nakatanggap ng sumbong ang Dao Police Station mula sa tricycle driver na si Reynaldo Recaforte na umano’y nakita nito ang suspek na lumabas sa bahay dala ang karit na duguan.

Ngunit nang rumespunde ang awtoridad, natagpuan na lamang ang biktima na nakadapa kaya agad itong isinugod sa Senator Gerardo Roxas Memorial Hospital ngunit hindi na ito umabot pa nang buhay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, hiwalay na ang mag-asawa at nakatira na lamang sa bahay ng kanilang mga magulang.

Nabatid na nagkaroon umano ng away ang dalawa bago maganap ang krimen.

Sumuko naman ang suspek sa Dao Police Station kasama ang kapatid na si Herman at kasalukuyan nang nakakulong sa lock-up cell ng naturang istasyon ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply