Ginang pinagbabaril, patay

PATAY ang 36 anyos na ginang nang pagbabarilin kagabi sa Pasay City.

Tatlong tama ng bala ng kalibre .45 ang kumitil sa buhay ng biktima na kinilalang si May Navarro, 36, residente ng  No. 698 Orion St. Brgy.67 Zone-8 ng naturang lungsod.

Tumakas ang hindi kilalang suspek sakay ng isang motorsiklong  walang plaka sa di malamang direksyon.

Batay sa inisiyal na imbestigasyon nina SPO2 Chris Gabutin at SPO2 Ronaldo Frades ng Homicide Section ng Pasay City Police ang insidente ay naganap dakong alas:10:30 ng gabi sa Brgy 67.

Ayon sa imbestigasyon  bago naganap ang pamamaslang sa biktima inutusan ito ng asawa  na si Edgar na kumuha ng kanin sa kanilang bahay at dahil sa tulay malapit sa kanilang bahay.

Habang naglalakad ang biktima sa gilid ng tulay biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at walang habas na pinagbabaril ang biktima na agarang ikinamatay nito.

Nabatid sa ilang residente na kaya itinumba ang biktima dahil  ito umano ay nagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa kanilang lugar.

Gayuman inaalam pa rin ng awtoridad ang iba pang motibo sa posibleng pagpaslang sa biktima

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply