Giyera (kuno) ng DENR vs sawmills, panloloko lang

ANO ba itong pakulo na naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na  seseryosohin na nilang ubusin ang mga illegal logger na pumipeste sa ating mga kabundukan at kagubatan.

Naku, ha, talaga lang, kung hindi ko pa alam na inu-til ang mga opisyal ng DENR lalo na si Sec. Ramon Paje.

Maniniwala na sana ako. Ang kaso ay kahit ilang beses kong pakaiisipin ay talagang inutil sa dilang inutil talaga ang DENR.

Mismo ang mga taong maka-kalikasan ang nagsasabi ng kainutilan ng DENR dahil daw sa kaunting pag-ulan lang daw ay mistulang dinedelubyo ng pagbaha ang ating bansang Pilipinas.

Eto pa nga ang drama ng DENR sa pamumuno ni Paje.  Ang sabi nila ipasasara raw ang lahat ng mga sawmill  o yung mga wood processing plant sa Katimugang Mindanao kung walang maipakitang katibayan kung saan nila kinuha ang mga pinutol na punongkahoy.

Sa unang tingin kasi parang ang ganda-ganda ng hakbang ng DENR. Pero pag pag-aaralan mo ito, aba’y tarantado pala ang mga ito.

Bakit kanyo? Ang dekla-rasyon ng DENR na giyera laban sa mga sawmill, sa totoolang, isang taktika lang nila para pagtakpan ang kanilang lubos na kabobohan at kapalpakan.

Kung talagang sinsero si Paje ay dapat noon pa lang pagkakaupo nya  ay kumilos na siya at hindi na niya hinintay pang makapangumpiska ng tone-toneladang troso ang Bureau of Customs sa  Mindanao.

ORBITERO NG DILG AKTIBO NA KAGAD

Isang alyas Albert at Palatao na nagpapakila-lang tao ni Atty. Cris Beltran na taga-opis ni Usec. Rico Puno ang nagsasabing sila raw ang bagong bagman ng DILG.  Ano ba ‘yan, hindi pa nga nakapagbabang-luksa si Sec.Jesse Robredo ay binabastos kaagad.

Anomang reklamo o pu-na ay i-text lang sa 09189-274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply