Globe, Smart, babalatan sa anomalous charges

NAKATAKDANG balatan muli ni Senate President Juan Ponce Enrile ang dalawang higanteng kompanya ng telekomunikasyon, ang Globe Telecoms at Smart Communications, hinggil sa maanomalyang paniningil na resulta sa nawawalang load at drop calls.

Sa inihaing Senate Resolution No. 827, sinabi ni Enrile na ipatatawag muli ang Globe at Smart matapos dumagsa ang maraming reklamo sa kanyang tanggapan hinggil sa lumalalang problema sa nababawasang load, kabilang ang unsolicited multimedia messages at dropped calls.

Bukod pa rito ang natatanggap na mahinang kalidad ng signal, call set-up time, maling billing para sa post paid users ng Globe at Smart, ayon kay Enrile.

Sinabi ni Enrile na layunin ng imbestigasyon na makalikha ng panibagong patakaran na magbibigay proteksiyon sa consumer laban sa sobra-sobrang rates at unfair business practices ng telecoms, at bigyan ng kapangyarihan ang National Telecommunications Commission (NTC) na pilitin ang telcos na mahigpit na sundin ang rules and regulations na sumasakop sa industry.

Noong Hulyo 2, 2009, nag-privilege speech si Enrile dahil nabiktima siya ng nawawalang load tulad ng milyong cellphone users sa bansa na ninanakawan ng kanilang salapi at niloloko ng malalaki at makapangyarihang kompanya ng telekomunikasyon.

Aniya, nagdulot ang sunod-sunod na pagdinig ng Senado sa nauubos na prepaid credits, dropped calls at spam text messages, upang magpalabas ang NTC ng ilang kautusan bilang proteksiyon sa consumer tulad ng pagpapalawig ng validity ng  mobile phone credits.

“To further pursue such thrust, the National Telecommunications Commission issued Memorandum Circular No. 04-07-2009 which prohibits text spam or broadcast messages and Memorandum Circular No. 05-07-2009 which mandates a 6 seconds per pulse scheme as the default billing system of telcos, in the hope of promoting the welfare of our consumers while balancing the interests of the industry players,” ayon kay Enrile.

Ngunit, sinabi pa ni Enrile na nananatiling mataas ang halaga ng interconnection charges sa bansa na nagpapabigat sa pasanin ng consumer.

Tumataas din ang ulat na nakawan ng cellphone kabilang ang krimen at scam na gamit ang mobile phone kaya nararapat na umanong magkaroon ng sistema sa rehistrasyhon ng SIM card.

“Four years after the circulars were issued and implemented and with the entry of new players in the industry, cellphone users are still howling for government intervention against the inefficient and high cost of telecommunication services in the country, thus, the need to revisit Republic Act 7925 otherwise known as the “Public Telecommunications Policy Act” and to review the present charter of the NTC such that the Commission can independently regulate and equalize the playing field for ail industry players while affording better protection for the consuming public,” ayon kay Enrile.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply