Gloria Arroyo nasa malubhang kalagayan

MATAPOS ang apat araw na pagsasailalim sa Computerized Tomography (CT) scan sa Makati Medical Center (MMC) ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo, nakalabas na rin ito sa nabatid na ospital sa kabila ng kritikal nitong kondisyon

Batay sa pinakahuling medical bulletin na inilabas ng MMC kaugnay sa kalagayan ng dating Pangulo, kinumpirma ng kanyang cardiologist na si Dr. Roberto Anastacio na nasa kritikal na kondisyon ang kanilang pasyente dahil gumalaw at bumabara sa kanyang lalamunan ang itinanim na titanium plate na nakaaapekto na sa kanyang paghinga at pagkain.

Ayon kay Dr. Anastacio, may mga komplikasyon na ang pagka-dislocate o pagkawala sa lokasyon ng titanium plate sa cervical spine ni Gng Arroyo kaya nakakaapekto na rin maging sa kanyang puso ang hindi maayos na kondisyong medikal.

Dagdag pa nito, unti-unti na ring bumabagsak ang kalusugan ni Gng. Arroyo at hindi na normal ang kanyang pagkain gayundin ang pag-inom ng tubig dahil na rin sa pangamba na bumara ito sa kanyang lalamunan na maging dahilan upang hindi siya makahinga.

Sa kabila nito. pinayagan pa rin ng kanyang mga doktor si Gng. Arroyo na makalabas ng pagamutan kanina bagama’t may mga mahigpit na tagubilin sa kanya sa mga dapat na gawin habang hindi pa nabibigyang lunas ang kanyang kalagayan.
.
Iginiit ni Anastacio na dapat nang ipasuri sa mga dalubhasang doktor sa Amerika o sa Austria ang dating Pangulo kung saan kumpleto aniya ang makabagong teknolohiya ang grupo ng mga doktor na magsasagawa ng agarang operasyon

Hindi aniya kaya ng grupo ng mga doktor sa Pilipinas ang kritikal na kondisyon ni Gng. Arroyo kaya’t dapat ay madala na siya sa grupo ng mga dalubhasang doktor sa ibang bansa na may sapat na kakayahan at kagamitan upang mailigtas siya sa bingit ng kamatayan.

Magugunita na naglabas ng Hold Departure Order (HDO) ang Sandiganbayan laban kay Gng. Arroyo matapos sampahan ng kasong plunder ng tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na inilaan umano sa intelligence fund.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply