GM ‘Joey’ Antonio kampeon sa Malaysia tourney

KUALA LUMPUR, MALAYSIA — Hindi mapigilan ang pananalasa ni 12-time National Open Champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr. sa top board para pangunahan ang Quezon City Chess Team sa kampeonato ng 32nd ASTRO Rapid Open Team Chess Championship 2012 kagabi sa Ballroom, 5th Floor, Cititel Mid Valley Hotel.

Giniba ni GM Antonio si Indian Sharma Hemant para rendahan ang Quezon City Chess Team sa 3-1 kontra sa Chess Association of India A sa eight at penultimate round.

Pinabagsak naman niya ang kababayan na si National Master Efren Bagamasbad sa ninth at final round subalit natamo pa rin ng Quezon City Chess Team ang mapait na pagkatalo sa Marfori, Philippines, 2.5-1.5, ngunit sila pa din ang hinirang na overall champion sa 66-team tournament.

Nakalikom ang Quezon City Chess Team ngseven wins, one draw, one loss, 15 Match Points at 24.5 board points sa nine outings.

Bukod kay Antonio na nagkampeon din sa 9th IGB Dato’ Arthur Tan Chess Festival Combined Rapid 2012 and Blitz Open Championship, ang Quezon City Chess Team ay binubuo nina GM Darwin Laylo, Bengt Largo at Marlon Constantino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply