GMA desididong magpagamot sa abroad

DISIDIDO na si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magpagamot sa ibang bansa.

Sa kaniyang ipinaabot na pahayag, sinabi ng kanyang abugado na si Atty. Laurence Hector Arroyo na humihingi na sila ng medical records ng dating Pangulo sa mga ospital kung saan siya ginamot upang maisama sa kanilang petisyon na ihahain sa Sandiganbayan sa susunod na linggo.

Subalit wala pa rin aniyang desisyon si Ginang Arroyo kung saang bansa ito magpapagamot dahil dedepende anila ito sa magiging rekomendasyon ng mga doktor nito.

Nilinaw din ni Atty. Arroyo na ang mosyon na kanyang isasampa ay kaugnay lamang ng kinakaharap na kasong graft ng dating Pangulo sa Sandiganbayan 4th Division kaugnay ng NBN-ZTE deal.

Si Pangulong Arroyo ay nahaharap rin sa kasong plunder sa Sandiganbayan 1st Division at kasong electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply