Go and multiply

DIVIDED ang bayan sa reproductive health (RH) bill.

Pero ano ba talaga ang sinabi ng Diyos tungkol sa utos niyang “go and multiply?”

Sinabi ng Diyos kay Adan at kay Eba matapos silang ma- kick out sa Paraiso: Kayo ay magtrabaho at magparami.

At hindi rin sinabi ng Diyos na silang dalawa ay magpakarami nang walang humpay.
Mag-parami lang ang utos sa kanila.

Kanya-kanya kasi ng version ang mga nagpapaliwanag tungkol sa bibliya.

Halimbawa, lagi na lamang sinasabi na kung sino ang walang kasalanan ang siyang unang pumukol ng bato. Ito ang sinabi ni Jesus sa mga taong gustong patayin si Maria Magdalena dahil siya ay isang prostitute.

Pero nakalimutan na yata ng mga Katolikong pari ang sumunod sa utos ni Jesus kay Magdalena. Anya, “Woman, sin no more.”

Ganyan ang nangyayari sa debate sa RH bill. Iba’t ibang paliwanag, pero kung inyong susuriin ay nakalilinlang sa atin dahil hindi kumpleto ang paliwanag ng mga taga-simbahan.

Sadya sigurong hindi binabanggit ang maraming salita sa bibliya dahil hindi ito kapaki-pakinabang sa mga nagsusulong ng kanilang mga relihiyon.

Katulad na lang ng unang utos ng Diyos. “Ako ang inyong Diyos.” Pero ano ang nangyari, tinanggal ng Simbahang Katoliko ang phrase na “huwag kayong gagawa at sasamba sa mga imahen.” Naglipana ang mga graven image na ito sa lahat ng simbahan. Si Jesus at si Maria na kanyang ina ay pinatungan pa ng gintong korona.

Ang sabi ng Diyos, “Keep holy the Sabath day.” Nguni’t binago ng simbahan ang 10 utos.

Sa lahat ng mga Katolikong simbahan ay ito ang inyong mababasa” “at magsimba tuwing Linggo at mga araw ng pangilin.”

Sinasabi rin ng mga relihiyoso na kung and Diyos ay nakapagpapatawad, tayo pa kayang mga tao lamang?

Ano ba talaga ang nangyari? Hindi pinatawad ng Diyos sina Eba at Adan. Kicked out ang mag-asawa sa Paraiso.

Nariyan din ang the Lord’s Prayer ni Jesus na kung saan ay may condition ang pagpapatawad. At siyempre, ang kahindik-hindik na huling paghuhukom.

Ngayon, tungkol naman sa RH bill. Huwag ninyong iboto ang RH bill kung ang gobyerno ang bibili ng mga condom at contraceptive para sa bayan. Kanya-kanyang bili lamang po dahil sa bawat gastos ng gobyerno sa condom ay may kaakibat na tongpats at kickback ito.

Huwag rin kayong padadala sa mga sinasabi ng mga pari. Ang mga simbahan ay lalong yumayaman at ang mga lumuluhod sa kanila ay lalong humihirap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply