Gondola winasiwas ng ipo-ipo, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawang trabahador makaraang iwasiwas ng ipo-ipo ang sinasakyang gondola sa RCBC Building sa Makati City kaninang umaga.

Nabatid na dakong alas-10:15 kaninang umaga nang manalasa ang ipo-ipo at tangayin ng hangin ang gondola kung saan lulan ang dalawang lalaki na kinilalang sina Roberto Rendon at Victoriano Nietes habang naglilinis ng salamin ng naturang gusali sa H.V. Dela Cuesta Street.

Pumulupot ang tali ng gondola dahilan upang tumama ito sa salamin at maipit ang kamay ng dalawa na isang oras pa bago na-resucue sa taas na 42 talampakan.

Isinugod ang mga biktima sa Makati Medical Center (MMC) dahil sa mga tinamong galos sa nabasag na salamin.

Nadamay din ang isang taxi makaraang mabasag ang likurang salamin nito nang mabagsakan ng malaking tipak ng salamin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply